Pito, iniulat na nasawi dahil sa masamang lagay ng panahon bunsod ng shearline sa CARAGA at Davao Region

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), ang nasabing 7 nasawing indibidwal ay for validation pa maging ang 2 sugatan.

Sa ngayon lumobo pa sa 70,862 pamilya o katumbas ng 270,206 katao ang apektado ng sama ng panahon.

Sa nasabing bilang 4,217 pamilya o halos 15, 000 indibidwal ang nasa mga evacuation centers habang ang nasa halos 22,000 indibidwal ay mas piniling makituloy pansamantala sa kanilang mga kamag anak o manatili na lang sa kanilang mga tahanan.


Facebook Comments