
Iminungkahi ni Senate President pro-tempore Ping Lacson ang pagtatakda ng praktikal na schedule para sa posibleng pag-akyat sa Senado ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Nais ng senador na matulungan ang Mataas na Kapulungan na mabalanse ang mga trabahong lehislatibo habang nagagampanan ang tungkulin sa impeachment trial.
Sa mungkahi ni Lacson, isasagawa ang impeachment trial tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ng alas tres ng hapon habang ang sesyon naman ay Martes at Huwebes.
Samantalang sa umaga naman idaraos ang mga committee hearings at meetings.
Ito ay para hindi maantala at maparalisa ang legislative work ng Senado kung araw-araw balak isagawa ang impeachment hearings.
Sinabi pa ni Lacson na maaaring kunin niya ang consensus ng mga kasamahang senador kaugnay sa panukalang setup na schedule sa impeachment proceedings.










