Napatay na suspek na nang-agaw ng motorsiklo sa siyudad ng Ilagan, nakilala na

28

Isabela, Philippines – Nakilala na ang suspek na nang-agaw ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa isang barangay sa siyudad ng Ilagan sa Isabela sa isinagawang operasyon ng PNP Ilagan City.

Ayon sa ulat ang napatay ay si Seledar Jr., tubong Solana, Cagayan.

Matatandaang madaling araw kahapon nang agawin ng suspek ang motorsiklo ng biktimang si Marlon Gabuyong ng Alibago, Ilagan City.

Agad na nagtungo sa pulisya si Gabuyong na agad namang nirespondehan ng mga kapulisan.

Nakorner ang suspek sa barangay San Juan, Ilagan City kung saan nagpaputok pa ito na ginantihan din ng kapulisan na siyang naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Facebook Comments