Wednesday, October 28, 2026

PNP, kumpiyansa na sapat ang pwersa para sa pag-aresto kay Sen. Bato dela Rosa

Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na sapat ang pwersa nito para ipatupad ang pag-aresto kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa.

Gayunpaman, ayon kay PNP Spokesperson PCol. Allen Rae Co, welcome pa rin sa kanila ang pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na handa silang tumulong kung kakailanganin.

Ayon kay Co, subok na ang magandang relasyon ng PNP at AFP lalo na sa pagsasagawa ng mga joint operations.

Nauna nang sinabi ng AFP na sakali man umanong may request mula sa kanila ay handa silang tumugon dito, mula sa intelligence gathering hanggang sa kung saang operasyon hihingin ang kanilang presensya.

Facebook Comments