Wednesday, October 28, 2026

Defense team ni VP Duterte, mistulang na-checkmate na ng prosekusyon

Para sa House Prosecution Panel, ay “checkmate” na o sukol na at hindi na maililigtas ng defense team si Vice President Sara Duterte sa alegasyon na mayroon itong hindi maipaliwanag na yaman na hindi nakadeklara sa Statment of Assets, Liabilitis and Networth o SALN.

Reaksyon ito ni House Impeachment Team Adviser at Spokesperson Ace Barbers sa posibilidad na gamiting rason ng depensa sa impeachment trial ang kawalan ng kaalaman ni VP Sara sa pera at financial transactions ng kanyang ama na si dating pangulong rodrigo duterte at mister na si atty mans carpio.

Giit ni Barbers, tiyak mahihirapan ang defense team ni VP Sara na kontrahin ang mga ebidensyang ipinresenta sa impeaachment trial ng prosekusyon tulad ng mga dokumento na kinabibilangan ng mga records mula sa banks, mga ahensya ng gobyerno at sariling filings ng mag-asawang Duterte-Carpio.

Magugunitang batay sa pagsusuri ng financial expert na si Atty. Alexander Cabrera ay lumalabas na mahigit 817.87 million pesos ang yamam na hindi idineklara ni VP Sara sa kanyang SALN mula 2022 hanggang 2025.

Facebook Comments