Wednesday, October 28, 2026

Seal Badge Policy para sa mga online sellers, service providers, at content creators, pinapa-imbestigahan sa Kamara

Pinapa-imbestigahan ng mga kongresistang kasapi ng Makabayan bloc ang Registration Seal Badge requirement ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa mga online sellers, service providers, at content creator.

Ang hirit na imbestigasyon ay nakasaad sa House Resolution 1565 na inihain nina Representatives Sarah Elago ng Gabriela, Renee Co ng Kabataan at Antonio Tiñio ng Act-Teachers Party-list.

Target ng imbestigasyon na matukoy kung malinaw, patas at tumutugon sa kapakanan ng mga online workers ang nabanggit na polisya na sinuspinde nitong October 26.

Nakasaad sa resolusyon na ipinatupad ang Seal Badge Policy ng walang konsultasyon sa mga Pilipinong nasa online work.

Ayon sa Makabayan bloc, lalong nakakabahala na matapos ang higit 50,000 na registration ay bigla itong binawi ng BIR.

Facebook Comments