Monday, October 26, 2026

Pahayag ni Ombudsman Remulla na pagsususpinde o pag-alis ng VISA-issuance mandate, tinutulan ng DFA

Mariing tinutulan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kamakailang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na nagrerekomendang alisin ang kapangyarihan ng ahensya na mag-isyu ng VISA at akusasyong ginagawa na umano itong negosyo.

Ayon sa DFA, ang mga pahayag ng Ombudsman ay nagpapahina sa integridad ng institusyon at nanggigipit sa reputasyon ng Philippine Foreign Service at ng mga kawani nito sa buong mundo.

Binigyang-diin ng kagawaran na ang kanilang mandato sa pag-iisyu ng VISA ay alinsunod sa batas ng Pilipinas at sa international convention tulad ng Vienna Convention on Consular Relations.

Dagdag din ng DFA, ang pagsusuri at pag-apruba ng VISA ay hindi lamang simpleng administrative process kun’di isang sovereign authority ng estado na ginagampanan ng mga Embassy at Consulate.

Tiniyak naman ng kagawaran na ang lahat ng singil sa VISA ay nakabatay sa umiiral na regulasyon at nananatiling nakatuon sa transparency, accountability at public service.

Facebook Comments