Patuloy na pinapasan ng mga tricycle driver at operator sa bayan ng natividad, pangasinan ang tumataas na gastusin sa pamamasada dahil sa walang tigil na paggalaw ng presyo ng langis at pagmahal ng mga pangangailangn sa araw-araw.
Ayon sa ilang miyembro ng tricycle operators and drivers’ association (toda), malaking bahagi ng kanilang kinikita ang napupunta lamang sa pagpapagas at pagpapakumpuni ng mga tricycle, kabilang ang pagpapalit ng mga piyesa at gulong.
Dahil dito, marami sa mga tsuper ang umaaming hirap makapag-uwi ng sapat na kita para sa kanilang mga pamilya sa kabila ng maghapong pamamasada.
Noong mayo 19, mahigit 200 tricycle driver at operator mula sa iba’t ibang toda sa natividad ang nakatanggap ng tig-iisang gulong bilang tulong sa kanilang pamamasada.
Sa kabila nito, nananatiling hamon para sa maraming tsuper ang paghahanapbuhay habang patuloy ang pagtaas ng mga gastusin at nananatiling mababa ang kanilang naiuuwing kita sa araw-araw. Panawagan nila ang konkretong solusyon mula sa pamahalaan, at Hindi band-aid solution. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








