Wednesday, September 16, 2026

PNP, may good leads na sa pagkakakilanlan ng mga sangkot sa mga insidente sa BARMM election

Mayroon nang “good leads” ang Philippine National Police (PNP) sa pagkakakilanlan ng ilan sa mga sangkot sa mga insidente ng karahasan sa naganap na na BARMM Parliamentary Elections.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Naratatez Jr., nasagsagawa na ngayon ang Pambansang Pulisya ng imbestigasyon at case build-up sa mga taong sangkot sa nasabing mga insidente.

Aniya, inaasahan na maisasampa ang mga kaso sa lalong madaling panahon.

Nabatid na naiulat ang ilang insidente ng pamamaril , pagsabog at pagkakarekober ng Improvised Explosive Device (IED) sa Basilan, Cotabato, at Maguindanao del Sur habang nagaganap ang halalan.

Tiniyak naman ni Nartatez na nakatutok ang pulisya sa pagtitiyak na ligtas ang mga pormal na proklamasyon at iba pang aktibidad pagkatapos ng halalan hanggang sa maging normal ang sitwasyon.

Facebook Comments