
Nagpatupad ng balasahan Philippine National Police (PNP) sa ilang matataas na opisyal, epektibo ngayong Lunes, Marso 9.
Sa inilabas na order, itinalaga ni PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. si Highway Patrol Group (HPG) Police Brig. Gen. Hansel Marantan bilang bagong director ng Police Regional Office Calabarzon (PRO 4A).
Ang nasabing posisyon ay mula kay Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, na itinalaga naman bilang bagong director ng Special Action Force (SAF).
Papalitan naman si Marantan sa kanyang pagiging direktor ng HPG ng kasalukuyang Directorate for Police Community Relations (DPCR) Executive Officer Brig. Gen. Jessie Tamayao.
Facebook Comments










