PNP, patuloy ang imbestigasyon sa kaso ng pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Philippine National Police (PNP) Criminal Investigation and Detection Group sa kaso ng pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, may iba pa silang tinitingnang anggulo bukod sa umano’y love triangle.

Nakuhanan na rin umano ng testimonya ang ilang witness, ang isa sa kaibigan ni Camilon kung saan nabanggit na huling kikitain ng beauty queen ang person of interest na isang pulis.


Nagbigay na rin ng salaysay ang dalawa pang testigo na umano’y nakakita kay Camilon na duguan habang inililipat mula sa kanyang kotse papunta sa ibang sasakyan.

Hindi aniya nagmamadali ang CIDG sa paghahain ng kaso dahil nangangalap sila ng mas maraming ebidensya para makabuo ng mas malakas na kaso laban sa mga indibidwal na sangkot sa kaso ni Camilon.

Facebook Comments