Wednesday, March 4, 2026

PNP, suportado ang direktiba ni PBBM patungkol sa pagtitipid ng enerhiya kasabay ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado

Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. patungkol sa pagtitipid ng enerhiya kasabay ng paggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Kung saan, iniutos ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. ang pagreview at posibleng adjustment sa paggamit ng mga mobility assets ng pulisya.

Ayon kay Nartatez, ang mga chief of police at mga heads ng support units ay inaasahang magsasagawa ng review sa tulong ng Directorate for Operations at iba pang offices at commanders sa National at Regional Headquarters.

Aniya kailangang paghandaan at planuhin ang ganitong klase ng mga sitwasyon nang hindi nasasakripisyo ang mandato ng pulisya na tiyaking ligtas ang buong komunidad.

Nauna nang nagbigay ng babala ang mga security experts at economic analysts sa posibleng epekto ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East sa suplay at presyo ng mga produktong petrolyo lalo na ang mga bansang lubos na dumidepende sa importasyon nito.

Facebook Comments