Wednesday, May 27, 2026

PNP, tiniyak na hindi magbibigay ng special treatment kay Sen. Dela Rosa

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi sila magbibigay ng special treatment kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa gitna ng mga pangamba na maaaring maging maluwag ang pagtrato ng ilang pulis sa dating PNP chief.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., istriktong nag-ooperate ang PNP sa legal na balangkas at sa kanilang sinumpaang tungkulin na magsilbi at magprotekta.

Ibig sabihin aniya, walang sinuman ang mas mataas sa batas anuman ang ranggo nito.

Binigyang-diin din niya na ang paggalang kay Sen. Dela Rosa bilang dating pinakamataas na opisyal ng PNP ay hindi makaaapekto sa isasagawang operasyon ng kapulisan.

Dagdag pa niya, inaasahang susundin ng lahat ng pulis ang standard operating procedures nang walang takot o pinapaboran.

Nananawagan din siya kay Sen. Dela Rosa na buong makipag-ugnayan sa legal na proseso.

Facebook Comments