
Nagbigay ng abiso sa publiko ang Philippine National Police (PNP) na iwasan ang paglapit sa gumuhong hotel construction site sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga.
Ito ay para hindi makasagabal sa nagpapatuloy na operasyon ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Sa inilibas na pahayag ng PNP, agad na nag-deploy ito ng nasa 175 na personnel para tumulong sa rescue and retrieval operations, pag-aayos ng daloy ng trapiko, at seguridad sa lugar.
Kasama rin sa isinasagawang aksyon ng PNP ang pagsuporta sa nagpapatuloy na imbestigasyon para malaman ang dahilan ng nasabing insidente at ang posibleng paglabag sa safety and building regulation nito.
Kasama ng PNP na kumikilos sa nasabing lugar ang Bureau of Fire Protection (BFP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Angeles City Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), at mga lokal na pamahalaan.










