Bayad na ang mga transport cooperatives o corporations na lumahok sa Service Contracting Program (SCP) ng pamahalaan, pero ilang tsuper pa rin ang nagrereklamo dahil hindi pa umano nila ito natatanggap.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Manager Atty. Greg Pua Jr., nasa mga transport cooperatives o corporations na ang problema dito.

Sa pakikipag ugnayan ni Pua sa mga kooperatiba at korporasyon, natatagalan umano sila sa pagbibigay ng nasabing bayad dahil sa pag i-scan ng mga QR code at paggamit ng global positioning system para matukoy ang ruta ng bus at tsuper, bank transactions, at sistema sa distribution.

Panawagan ni Pua sa mga tsuper, ipaalam agad sa LTFRB sakaling hindi o kulang ang ibinigay sa kanilang bayad para agad na maisyuhan ng show cause order ang mga transport cooperatives o corporations na sangkot, at posible rin itong suspendihin ng ahensya.

Facebook Comments