Wednesday, May 27, 2026

Publiko, pinaghahanda ng PAGASA sa sabay na pagpasok ng Habagat at El Nino

Pinaghahanda na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa inaasahang sabay na pagpasok sa bansa ng El Niño Phenomenon at Habagat.

Ayon kay Ana Solis, head ng Climate Monitoring and Prediction Section ng PAGASA, inaasahang pumasok ang panahon ng El Niño at Habagat sa pagitan ng buwan ng Hunyo, Hulyo at Agosto ngayong taon.

Sa pagkakataong ito anya ay inaasahan ang mga pag ulan sa bahagi ng Luzon at Metro Manila.

Sa ngayon anya ay humihina na ang panahon ng tag-init kayat unti unti nang matatapos ang warm at dry season sa katapusan ngayong buwan ng Mayo o unang linggo ng Hunyo.

Aabot naman anya sa 10 hanggang 15 bagyo ang maaaring tumama sa bansa mula buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre ngayong taon.

Hinikayat din ni Solis sa mga mag aaral na ugaliing magdala ng payong at kapote o anumang pananggalang sa ulan sa susunod na buwan.

Facebook Comments