
Walang natatanggap na panukala ang Commission on Elections (COMELEC) sa usapin ng umano’y election postponement at term extension.
Ito ang pahayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia kasunod ng sinabi ni Senator Imee Marcos sa kaniyang privilege speech kahapon na plano umano ng ilang mambabatas na palawigin ang kanilang termino at hindi matuloy ang halalan sa 2028.
Ayon kay Garcia, hindi apektado ng naturang isyu ang paghahanda ng poll body sa 2028 national at local elections at tuloy-tuloy ang kanilang preparasyon.
Una nang sinabi ni Garcia na nasa 50% hanggang 60% na ang Comelec sa ginagawang paghahanda para sa halalan sa 2028.
Sa talumpati ni Sen. Marcos kahapon nang sabihin nitong may mga tangka umanong palawigin hanggang 2031 ang termino ng mga kasalukuyang opisyal at kanselahin ang 2028 presidential elections.










