Police Regional Office-7, magpapatupad ng revamp

Cebu, Philippines – Nakatanggap ng impormasyon si Police Regional Office -7 director, Chief Supt. Noli TaliƱo na ilan sa kaniyang mga tauhan ang tataasan ang ranggo simula sa susunod na buwan.

Isa na dito ang hepe ng Bohol Police Provincial Office na si Sr. Supt. Felipe Natividad na itatalagang Special Police Officer ng Department of Interior and Local Government base sa rekomendasyon ng incoming DILG Secretary na si AFP Chief of Staff Eduardo AƱo.

Pinuri ni TaliƱo si Natividad dahil sa maayos na pagkakadala nito sa krisis sa lalawigan ng Bohol nang ito ay pasukin ng mga miyembro ng Abu Sayyaf Group kung saan napatay ang lahat ng mga bandido.


DZXL558

Facebook Comments