
Hindi iaatras ni House Senior Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ang isinusulong nyang imbestigasyon sa pag-aresto sa mga nagprotesta sa kasagsagan ng 49th ASEAN Summit at related summits na idinaos sa bansa.
Inihayag ito ni De Lima, kahit ini-utos na ng Muntinlupa City Prosecutor’s Office ang pagpapalaya sa nabanggit na mga ralyista na inaresto noong November 15.
Ayon kay De Lima, maghahain sya ng resolusyon para sa maging batayan ng imbestigasyon sa insidente na aniya’y nakaka-alarma dahil ito ay malinaw na paglabag sa karapatang-pantao bukod sa hindi rin sila tinrato ng tama at binigyan ng access sa abogado.
Umaasa si De Lima na sa pamamagitan ng imbestigasyon ay matutukoy ang nasa likod ng karahasan at hindi-makatarungang pag-aresto.
Nagpasalamat naman si De Lima sa lahat ng tumulong sa mga inarestong indibidual kasama ang media na aniya’y buong tapang na nagsagawa ng coverage nagcover sa mga pangyayari.










