Monday, April 27, 2026

LGU DAGUPAN CITY PUSPUSAN ANG PAGHAHANDA PARA SA BANGUSAN STREET PARTY

Patuloy ang masusing inspeksyon at paghahanda sa mga grills at tents para sa nalalapit na “Kalutan ed Dalan” at Bangusan Street Party na gaganapin ngayong Huwebes, Abril 30 sa New De Venecia Highway, Dagupan City.

Ayon sa mga organizer, layunin ng Bangus Grills Inspection na matiyak ang kaligtasan, kaayusan, at kahandaan ng mga kalahok sa isa sa pinakaaabangang bahagi ng selebrasyon.

Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang publiko na makiisa sa selebrasyon kasama ang kanilang pamilya at mga kaibigan.

Pinapayuhan din ang lahat na sundin ang mga alituntunin upang matiyak ang maayos at ligtas na pagdaraos ng kaganapan.

Ang Bangusan Street Party ay bahagi ng taunang pagdiriwang na nagbibigay-pugay sa industriya ng bangus, na isa sa pangunahing kabuhayan ng lungsod.

Inaasahang magiging masigla at matagumpay ang pagdiriwang ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments