
Binigyang-diin ni Atty. Ade Fajardo na wala pa silang natatanggap na opisyal na kopya ng umano’y reklamo ng Office of the Ombudsman laban kay dating House Speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.
Kasabay nito ay muling pinabulaanan ni Fajardo ang mga alegasyon na may maling ginawa si Romualdez.
Dii ni Fajardo, ang mga aksyon ni Romualdez ay palaging alinsunod sa itinatakda ng batas.
Umaapela si Fajardo na pairalin ang due process kaakibat ang pangako na tutugon at haharapin ni Romualdez sa tamang forum ang mga alegasyong ibinabato sa kanya.
Facebook Comments










