
Katuwang na ngayon ng Office of the Ombudsman ang artificial intelligence (AI) sa pagsusuri ng ilang dokumento na may kaugnayan sa anomalya sa flood control projects.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin Remulla, nakatulong ito upang makakita ng posibleng leads na magagamit sa ibang kaso.
Bahagi ito ng mas malawak na case buildup ng kanilang tanggapan.
Patuloy pa rin ang pagsusuri ng mga ebidensya at dokumento.
Dagdag ni Remulla, ang AI ay suporta lamang at hindi kapalit ng aktwal na imbestigasyon.
Facebook Comments










