
Nagwagi ang mga magsasaka ng Barangay Pinmaludpod sa isinagawang Farmers Day Celebration 2026, kung saan ipinamalas ang kanilang talento, pagkakaisa, at pagmamalaki sa sariling kultura.
Nanguna ang grupo sa Folk Dance Media Contest matapos tanghaling kampeon, na nagpamalas ng kahanga-hangang husay sa sayaw at malikhaing presentasyon.
Hindi rin nagpahuli ang mga kalahok sa patimpalak na Ginoo at Ginang Magsasaka. Nakamit ni Mr. Rogelio “Sakuragi” Veloria ang titulong 1st Runner-Up, habang itinanghal namang 2nd Runner-Up si Mrs. Alma Mendez.
Ayon sa mga dumalo, ang naturang selebrasyon ay hindi lamang patimpalak kundi isang pagkilala sa mahalagang papel ng mga magsasaka sa lipunan.
Ipinakita rin dito ang kanilang katatagan, kasipagan, at pagmamahal sa tradisyon at kultura.
Patuloy namang inaasahan na magsisilbing inspirasyon ang tagumpay na nakamit ng mga magsasaka ng Barangay Pinmaludpod sa iba pang komunidad upang higit pang paunlarin ang sektor ng agrikultura. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










