Presidential candidate at Senator Ping Lacson, binasag na ang katahimikan; mga taga-suporta, nag-ingay na!

Tama na ang pananahimik, panahon na para mag-ingay.

Ito ang panawagan ni independent presidential candidate at Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa mga taga-suporta niya at ni vice presidential candidate AT Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Ayon kay Lacson, nagpasalamat siya sa kanyang mga taga-suporta na tinawag niyang ‘pure love’ at ‘true friends’ ang Lacson-Sotto Support Group na nag-organisa noong Sabado na grand rally sa loob ng Quezon City Circle.


Mainit ang pagtanggap ng mga supporter kay Lacson at Sotto pati na sa kanilang mga pamilya sa rally na nagsimula Sabado ng hapon at natapos pasado alas-8:00 ng gabi.

Binigyang diin ni Lacson na marami pang dapat gawin sa isang buwang nananatili sa campaign period kung saan, malaki ang magagawa ng mga supporter sa pamamagitan ng pagkumbinsi sa kamag-anak at kaibigan na iboto ang pinaka-kwalipikado, may karanasan at may kakayahan.

Paliwanag ni Lacson sa kanyang mga taga-suporta na hindi pa natatapos ang kanilang gagawin dahil marami pa silang dapat gawin para sa Mayo 9 sa araw ng eleksyon kung saan ay kausapin dapat nila ang kanilang mga kamag-anak at mga kapitbahay at sabihin sa kanila kung sino ang pinaka-qualified, pinaka-competent at may karanasan na dapat ihahal sa eleksyon.

Samantala, lumagda sina Lacson at Sotto sa harap ng kanilang mga supporter ng “Panunumpa sa Sambayanang Pilipino” para tiyaking walang bahid ng katiwalian ang kanilang panunungkulan.

Nakapaloob sa kanilang panunumpa na ang lahat ng plataporma na kanilang inihain ngayong kampanya ay kanilang tutuparin ng buong husay at katapatan, uunahin at isasaalang-alang nila ang kapakanan ng bansa at ng mamamayang Pilipino.

Facebook Comments