Bagsak presyo na ngayon kung susumahin ang presyo ng parehong siling labuyo at siling berde, ayon sa mga tindera sa lungsod ng Dagupan.
Ang siling labuyo noong nagdaang mga buwan na umabot pa sa P700-P1000 ang kada kilo, ngayon ay naglalaro na sa P70 hanggang P80 na per kilo.
Habang ang berdeng sili, nasa P70 na rin ang per kilo mula sa P150 hanggang P200 na kada kilo nito noong Pebrero.
Bagsak presyo rin ang puting sibuyas na mabibili na sa halagang P60 to P80, kung saan ayon sa ilang tindera, kapanahunan daw umano nito kaya marami-rami ang suplay.
Patuloy pang nararanasan ang pagbaba sa presyo ng mga gulay sa Pangasinan na ikinatuwa ng mga mamimili lalo ngayong nagmamahalan ang presyuhan sa produktong karne at isda. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments