Opsyonal na pagsusuot ng face mask sa mga paaralan, papayagan ng DepEd

Papayagan ng Department of Education (DepEd) ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa loob ng classroom.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, maglalabas sila ng amendatory department order hinggil dito.

Kamakailan lang nang ilabas ni Pangulong Bongbong Marcos ang Executive Order No. 7 kung saan optional na lamang ang pagsusuot ng face mask sa indoor areas.


Sa ilalim nito, mandatory lamang ang pagsusuot ng face mask sa mga public transportation, medical transport vehicles gaya ng ambulansya at mga healthcare facilities.

Facebook Comments