
Kasama sa mga sinisilip ng Sandiganbayan ang mga yaman ng asawa, mga anak, at mga taong konektado sa isang government official.
Ito ang sinabi ni retired Sandiganbayan presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang tungkol sa mga naging tanong ni Senate President Sherwin Gatchalian kung anong mga dokumento ang tinitingnan para makita at ma-detect ang mga hindi maipaliwanag na yaman ng isang public officer.
Punto ni Gatchalian, kadalasan ay hindi naman idinedeklara ng isang opisyal ang kanyang unexplained wealth sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).
Ayon kay Cabotaje-Tang, para makita kung mayroon talagang pagkamal o iligal na yaman ang isang public official, kasama sa sinisilip dito ang assets ng asawa, anak, at mga taong may kaugnayan sa opisyal.
Inihalimbawa nito ang kasong Ligot v Sandiganbayan at Rabusa V Republic kung saan nakita ang mga unexplained wealth ay binili at nakrehistro sa pamilya.
Kung nakapangalan ang mga assets sa asawa, anak o sa ibang tao ay mate-trace back ito sa public officer lalo na kung mapatunayan na wala naman silang kakayahan na ma-acquire ito.
Sinabi rin ni Cabotaje-Tang na madalas din ay nag-e-employ ang isang public official ng dummies, nominees o proxies para sa kanila i-rehistro at maitago ang mga assets.
Kung cash naman aniya ito, aminado si Cabotaje-Tang na mahirap makita kung sana possession ito ng public official at hindi nakadeposito sa bangko pero kung may mga bank deposits at kahit sa iba nakapangalan ang account, maaari pa ring i-attribute sa public officials ang nasabing pera.










