Tuesday, September 15, 2026

Malinaw na paglabag ni VP Duterte sa SALN reporting, ipinakita ng testimonya ni retired Justice Cabotaje-Tang

Screenshot from Senate of the Philippines/YouTube

Binigyang-diin ni House prosecution adviser at spokesperson Ace Barbers na higit ngayong naging malinaw ang paglabag ni Vice President Sara Duterte sa pagsusumite ng kaniyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Sinabi ito ni Barbers kasunod ng testimonya sa impeachment trial ni retired Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang kung saan lumabas na hindi sumunod si VP Sara sa mga dapat ideklara sa SALN.

Tinukoy ni Barbers na batay sa inilahad ni Cabotaje-Tang na bawal o hindi maaring ilagay sa ilalim ng “others” portion ng SALN ang cash at iba pang assets.

Ayon kay Barbers, taliwas ito sa inilagay ni Duterte sa kaniyang SALN na wala itong cash o pera sa loob ng ilang taon base sa lumabas sa isinagawang impeachment hearing sa Kamara.

Dagdag pa ni Barbers, lumitaw rin na nilabag ni VP Sara ang pagbabawal ng ating batas na ang presidente at ang bise presidente ay ma-involve sa mga negosyo o mag-negosyo.

Facebook Comments