Monday, September 14, 2026

Paglilitis sa Article 2 o ang pagkamal ng iligal na yaman ni VP Sara Duterte at hindi pagdedeklara sa SALN, inumpisahan na ngayong araw ng Senate Impeachment Court

Sinimulan na ngayong umaga ng Senate Impeachment Court ang paglilitis sa Article 2 o ang pagkamal ng iligal na yaman ni Vice President Sara Duterte at ang non-disclosure nito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN.

Sa Day 24, ay humarap ngayon sa impeachment court ang unang testigo ng prosecution team para sa Article 2 na si retired Sandiganbayan presiding justice Amparo Cabotaje – Tang.

Dito gagamitin ng prosekusyon ang kahon-kahong financial records umano ng bise presidente na isinumite sa impeachment court ng Bureau of Internal Revenue (BIR), Anti-Money Laundering Council at mga bangko.

Si Cabotaje-Tang ay ihaharap bilang expert witness bilang siya ang dating nanguna sa Sandiganbayan na tagapaglitis ng mga taga gobyerno na gumawa ng katiwalian.

Ayon kay Rep. Gerville Luistro, ng prosecution team, ang Article 2 o ang unexplained wealth ni VP Sara ang ikatlo sa presentasyon ng prosekusyon.

Nahahati aniya ito sa tatlong subsections;
1. Ng hindi maipaliwanag na yaman
2.paglabag sa paghahain ng SALN; at hindi pagda-divest ng iba pang financial at business interest ng bise.

Nasa 17 senator-judges ang present ngayong Day 24 ng impeachment trial.

Facebook Comments