
Viral sa social media ang video ng isang rumerespondeng fire truck matapos masagi nito ang itim na kotse na naka-double parking sa isang malawak sanang kalsada.
Naantala at naabala ang pagbagtas ng fire truck sa Macabulos Street sa Lungsod ng Makati nitong Sabado, Setyembre 12, dahil sa nakahambalang na mga sasakyan sa lugar.
Ang nasabing viral video ay nakatawag ng pansin ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group – Task Force for Road Clearing Gabriel Go.
Ibinahagi pa niya sa kaniyang Facebook ang insidente at binigyang-diin kung paano naging malaking perwisyo sa kalsada ang pagdo-double parking lalo na sa panahon ng emergency.
Inisyuhan na ng Land Transportation Office (LTO) ng show cause order ang may-ari ng itim na sasakyan at kasalukuyang nasa 90-day preemptive suspension.










