Problema ng trapik sa EDSA, tapos na sana kung walang kumontra sa mungkahing Emergency Power para kay PRRD – Malacañang

Naniniwala ang Malacañang na wala na sanang kalbaryong sinasagupa ngayon ang mga motorista sa EDSA kung nuon pa man ay napagkalooban na ng Emergency Power si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Chief Presidential Legal Counsel at Spokesman Salvador Panelo, kung wala lang sanang kumontra sa pangangailangang igawad nuon pa ang nabanggit na kapangyarihan sa Punong Ehekutibo, di sanay tapos na ang grabeng trapik sa EDSA.

Binuweltahan din ni Panelo ang pahayag ni Senadora Grace Poe na nasa Administrasyon ang driver seat para solusyonan ang grabeng trapik at wala sa kanya.


Tugon dito ng tagapag- salita,  hindi naman sila nagkulang sa paglalatag ng opsiyon para solusyonan ang trapik at kabilang dito  ang pagkakaloob ng emergency powers sa Presidente.

Pero ang nakakalungkot sabi ni Panelo, kung ano- ano ang pagtutol ng mga krtitko tulad ng posible itong maabuso at maging source ng korupsiyon ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments