PROTEKSYON AT KARAPATAN NG MGA BATA SA ALAMINOS CITY, PINAIIGTING SA PAMAMAGITANNG CAPACITY BUILDING AT TRAINING WORKSHOP

Pinaigting ng lokal na pamahalaan ng Alaminos City ang mga hakbang para sa pangangalaga at proteksyon ng mga bata sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Capacity Building cum Training Workshop on Local Child Safeguarding and Protection Policy (LCSPP).

Pinangunahan ng Alaminos City Council for the Protection of Children (ACCPC), sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang naturang pagsasanay.

Layon niton palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga kinauukulan sa wastong pagpapatupad ng mga polisiya at programang nagtataguyod sa karapatan at kaligtasan ng mga bata.

Sa pamamagitan ng naturang pagsasanay, inaasahang higit pang mapalalakas ang kakayahan ng mga kinauukulan sa pagtupad ng kanilang tungkulin upang matiyak na napangangalagaan ang karapatan, kaligtasan, at kinabukasan ng mga bata sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments