Provincial buses, aapela na ma-exemp sa number coding ngayong Christmas season

Manila, Philippines – Aapela ang mga provincial bus companies na ma-exempt sila sa number coding pagdating ng Disyembre.

Ayon kay Alex Yague, Executive Director ng Provincial Bus Operators Association (PBOA), hindi nila maserbisyuhan ang milyong pasahero dahil coding ang mahigit 20 percent ng mga bus.

Aniya, dapat ng payagan ng LTFRB na pagayang ilagay ang mga bus sa mga lugar na may malaking demand kaysa nakatengga lang.


Sabi naman ni LTFRB Board Member Atty. Aillen Lizada, na plano na talaga ng ahensya na payagang magdagdag ng mga unit ang ibang bus companies sa mga lugar na talamak ang mga kolorum na van at bus.

Sina Alex Yague, Executive Director ng PBOA at LTFRB Board Member Atty. Aillen Lizada.

Facebook Comments