Ligtas ang higit 18,000 na persons deprived of liberty (PDLs) at nasa 4,000 na mga jail personnel sa iba’t ibang kulungan sa Mindanao kasunod ng magnitude 7.8 na lindol.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson Jayrex Bustinera, “zero casualties, injuries o security breaches” sa mga pasilidad na nasa pamamahala ng BJMP sa Region 10, 11, 12, BARMM at Caraga.

Sa datos ng BJMP, nasa 18,111 ang PDLs, habang 4,375 ang jail personnel sa 79 na pasilidad na tinamaan ng malakas na lindol.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang operasyon at ligtas din ang mga BJMP facility.

Kasunod ng lindol, pinagana ang “Oplan Lindol” na isang earthquake response protocols sa lahat ng mga apektadong regional offices.

Agad ding nagsagawa ang jail wardens ng head counts at preliminary structural assessments sa mga kulungan at pasilidad, habang ipinakalat ang Special Tactics and Response (STAR) teams para mabantayan ang perimeters ng mga pasilidad.

Facebook Comments