Saturday, June 6, 2026

Sunog, sumiklab sa Parañaque City

Sumiklab ang isang sunog sa isang residential area sa Lopez Jaena St. sa Barangay San Dionisio, Parañaque City kaninang 12:50 ng madaling araw.

Itinaas naman agad sa ikalawang alarma ang sunog bandang 1:19 ng umaga.

At agad itong umakyat ng ikatlong alarma mga bandang 1:24 am.

Tuluyan naman itong naiulat na fire under control kaninang 2:34 am.

Patuloy naman ang pagapula pa ng nasabing apoy na wala pang deklarasyon ng fireout.

Kaugnay nito, patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa nangyari habang inaalam pa ang halaga ng mga ari-arian na natupok.

Facebook Comments