Friday, June 12, 2026

Kontrol sa Bajo de Masinloc, nananatili sa Pilipinas – Malacañang

Tiniyak ng Malacañang na hindi bibitawan ng pamahalaan ang Bajo de Masinloc sa gitna ng panibagong presensya ng floating structure ng China sa lugar.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, nakatutok si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa sitwasyon at agad na kumikilos ang gobyerno upang tutulan ang anumang hakbang na lumalabag sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Naghain na rin aniya ang Department of Foreign Affairs ng diplomatic protest laban sa floating movable platform na inilagay ng China sa Bajo de Masinloc.

Binigyang-diin din ng opisyal na nananatiling matatag ang paninindigan ng administrasyon sa pagtatanggol sa soberanya at pambansang interes sa WPS sa pamamagitan ng mga legal at diplomatikong hakbang.

Facebook Comments