PRRD, hindi maituturing na lame duck – Palasyo

Nanindigan ang Malakanyang na hindi maituturing na lame duck president o wala nang silbi si Pangulong Rodrigo Duterte kahit pa patapos na ang kaniyang termino.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar, patunay nito ang pagiging bukas ng mga tumatakbo sa pagka-presidente sa eleksyon 2022 sa pag-endorso ng pangulo.

Malinaw aniya ito na maganda ang mga nagawa ng pangulo at nananatili pa ring mahalaga ang kaniyang papel para sa kandidatura ng mga tumatakbo sa pagkapangulo.


Binigyang diin pa ng kalihim na hindi sumunod si Pangulong Duterte sa tradisyon na maging lame duck president at sa halip ay nagsisilbi ang pangulo bilang impluwensya para makuha ang boto ng mayorya ng mga botante.

Facebook Comments