Binalaan ng Police Regional Office 1-Anti Cybercrime Unit ang publiko na huwag tangkilikin ang iligal na bentahan ng ‘sim card’ na mayroong verified Gcash account.
Matatandaan na dalawang indibidwal ang nahuli sa isang entrapment ng pulisya sa isang Mall sa Rosales, Pangasinan.
Ang mga ito ay mula sa bulacan at ibinebenta ng 500 piso ang kada sim card na may verified Gcash account.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Police Chief Master Sergeant Archimedes Fernandez, ang Cyber Investigator ng Regional Anti-Cyber Crime Unit 1, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakahuli ang pulisya sa rehiyon na sangkot sa cybercrime.
Aniya, ang naturang sim card ay maaaring magamit sa krimen lalo na sa mga mahilig gumamit ng online transactions at pagpapanggap sa romance scam.
Dahil dito, nagbabala ang RACU 1 na iwasan ang pagpopost ng mga mahahalagang impormasyon online upang hindi ito magamit ng mga kawatan.
Hinikayat din ni Fernandez na magsumbong sa kanilang tanggapan kung sakali maka encounter ng naturang iligal na gawain upang mahuli ang mga taong nasa likod ng iliga na gawain online. | ifmnews
Facebook Comments