Pulis na nasugatan sa anti-drug operation, dinalaw ni PNP Chief Ronald Dela Rosa

Cebu – Dinalaw ni PNP Chief Director-General Ronald Bato Dela Rosa ang isang pulis na nasugatan sa isang buy bust operation sa Barangay Mambaling sa lungsod ng Cebu.

Pagdating ni Dela Rosa sa Cebu, dumeretso kaagad ito sa Sacred Heart Hospital para dalawin at bigyan ng medalya si Police Officer 1 Dennis Valiente matapos itong magtamo ng tatlong tama ng baril sa kanilang operasyon.

Pinasalamatan ni Dela Rosa si Valiente sa naging kontribusyon nito sa kampanya kontra droga at hinimok na kaagad itong magbalik sa serbisyo kapag ito ay gumaling na.


Mula sa ospital, dumalo na si Dela Rosa sa Police Service Anniversary ng PNP sa Police Regional Office -7 sa Camp Sergio Sr. headquarters para sa awarding ng mga police officers sa rehiyon 7.

Facebook Comments