Pulisya, May Tinitingnang Anggulo sa Pamamaril sa Magsasaka sa Bayan ng Quirino!

121

Cauayan City, Isabela- Mayroon nang tinitingnang anggulo ang PNP Quirino, Isabela sa pamamaril sa isang magsasaka sa Brgy. San Mateo, Quirino, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan sa hepe ng pulisya na si PCapt Rufo Figarola Jr., hindi pa natutukoy ang suspek subalit mayroon na aniya silang iniimbestigahan na motibo sa pamamaril na ikinasawi ni Joven Rivera, na residente ng Brgy. San Jose, Quirino, Isabela.


Aniya, walang naitalang record sa pulisya ang biktima subalit nabatid na sa tuwing nalalasing umano ang biktima ay nagiging makulit umano ito sa kanilang lugar na isa sa kanilang tinitignang anggulo.

Bago nangyari ang pamamaril kay Rivera na nagtamo ng limang tama ng bala ng baril sa katawan ay huling nakasama umano nito sa tanghalian ang dalawang kaibigan na sina Manuel Tadeo at Manolo Gudoy.

Ayon pa kay PCapt Figarola Jr., patuloy pa rin ang kanilang pagsisiyasat sa naturang insidente na kauna-unahang naitala ngayong taon.

Facebook Comments