Kinilala ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang mga natatanging miyembro ng kapulisan sa ginanap na Traditional Monday Flag Raising Ceremony noong June 15, 2026 sa bayan ng Lingayen.
Sa pangunguna ni PCOL Dennis L. De Leon, Officer-in-Charge at Provincial Director ng Pangasinan PPO, pinarangalan ang mga pulis na nagpakita ng dedikasyon, propesyonalismo, at natatanging pagganap sa tungkulin na naging mahalagang bahagi ng matagumpay na pagpapatupad ng mga operasyon ng pulisya at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
Bukod sa pagkilala sa mga awardee, nagbigay rin ng mensahe si PCOL De Leon hinggil sa kahalagahan ng mahusay na pamumuno, command responsibility, at pananagutan sa pagkamit ng mga layunin ng organisasyon.
Binigyang-diin din ng opisyal na mahalagang matukoy ng mga lider ang mga aspeto ng organisasyon na nangangailangan ng pagpapabuti. Aniya, ang pagtukoy sa mga kakulangan ay hindi dapat ituring na negatibo kung ito ay ginagawa para maitama ang mga pagkukulang, mapalakas ang sistema, at mapabuti ang serbisyo para sa komunidad.
Ipinaalala rin niya sa mga tauhan na ang bawat tagumpay ng organisasyon ay bunga hindi lamang ng indibidwal na pagsisikap kundi ng mahusay na pamumuno, pagtutulungan, at epektibong pangangasiwa sa lahat ng antas ng organisasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








