Friday, June 19, 2026

Sen. Lacson, muling pinatutsadahan si Sen. Alan Peter Cayetano tungkol sa nasayang na P700 million na pondo

Muling kinastigo ni Senator Ping Lacson si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano dahil sa pag-iwas nito sa isyu ng nasayang na pondo ng Senado na P700 million sa halos isang buwan na pamumuno nito.

Naunang sinabi ni Cayetano sa kanyang Facebook Live na kahit sinong Senate president ang maupo ay gagastos pa rin ng P700 million o P25 million kada araw.

Sa X post ni Lacson, sinang-ayunan niya ang pahayag na ito ni Cayetano na tama naman at kahit sinong umupong Senate president ay pareho rin ang gastos sa bawat araw.

Subalit iginiit ni Lacson na ang pinag-uusapan dito ay ang output o ang resulta mula sa nagastos na pondo.

Nasayang aniya ito dahil ang zero output si Cayetano at sa halip idinulot lamang nito ay gulo noong May 13, mag-boycott ng sesyon at mag-livestream sa Facebook.

Pinayuhan ng senador si Cayetano na kung ayaw tumulong ay huwag na lang manggulo sa trabaho ng Senado.

Facebook Comments