Malaki umanong tagumpay ang pagkakaaresto sa suspek sa kampanya laban sa iligal na kalakalan ng karne ng aso at sa pagpapanagot sa mga sangkot sa pagmamalupit sa mga hayop.
Ayon sa mga nagsusulong ng kapakanan ng mga hayop, maiman na naisagawa ang tuloy-tuloy na pagkalap ng ebidensya ng awtoridad at ang pakikipagtulungan ng mga mamamayang nagbigay ng impormasyon kaugnay ng kaso.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang mga nagsagawa ng operasyon sa CIDG La Union, La Union Provincial Veterinary Office, at sa mga volunteer na tumulong sa pagsasagawa ng imbestigasyon hanggang sa pagkakaaresto ng suspek.
Binigyang-diin ng mga animal welfare advocates na mahalagang iulat, idokumento, at magsalita ang publiko laban sa anumang uri ng pagmamalupit sa mga hayop upang mapanagot ang mga lumalabag sa batas.
Patuloy rin ang panawagan sa komunidad na makiisa sa kampanya upang tuluyang wakasan ang iligal na dog meat trade at maprotektahan ang mga hayop laban sa kalupitan at pang-aabuso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








