BALUNGAO AT MAPANDAN, PINAGTIBAY ANG UGNAYAN PARA SA PAGPAPARAMI NG PRODUKSYON NG GATAS NG KALABAW

Pormal na nagkaroon ng benchmarking activity at palitan ng kaalaman ang Pamahalaang Bayan ng Balungao at Mapandan sa isinagawang Gatasang Kalabaw Program, bilang bahagi ng pagpapalakas ng kanilang inter-municipal partnership sa larangan ng agrikultura.

Ayon sa ulat, sentro ng aktibidad ang koordinasyon ng dalawang lokal na pamahalaan sa pagbabahagi ng best practices, kaalaman, at karanasan sa dairy buffalo production at livestock development.

Sa halip na magkahiwalay na pagpapatupad ng mga programa, tinalakay ang mga paraan kung paano mas mapapalakas ang mga hakbang para maging epektibo ang mga inisyatiba sa kani-kanilang mga komunidad.

Bahagi ng partnership ang teknikal na pag-aaral, pagsasanay, at pagtingin sa mga modelo ng pagpapatupad ng Gatasang Kalabaw Program.

Inaasahang sa pamamagitan ng naturang kolaborasyon, magiging matatag ang implementasyon ng pagpapataas ng produksyon ng gatas at pagpapatatag ng food security sa parehong Balungao at Mapandan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments