
Pulmonary hemorrhage ang itinuturong pangunahing dahilan ng mga namanatay dahil sa leptospirosis.
Ito ang sinabi ng infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante sa gitna ng patuloy na paglobo ng kaso ng leptospirosis dahil sa mga nagdaang pagbaha kabilang na sa Maynila.
Ayon kay Solante, ang pagdurugo sa daluyan ng hangin ang isa sa dahilan lalo’t naaapektuhan ang baga na nagreresulta sa hirap sa paghinga ng isang pasyente.
Mas mataas din aniya ang tyansa na tamaan ng leptospirosis ang mga madalas lumusong sa baha dahil sa dami ng bacteria na posibleng pumasok sa katawan.
Sa pagbisita ni Health Secretary Edwin Mercado sa San Lazaro Hospital, nanawagan ito sa publiko na agad dalhin sa pagamutan ang mahal sa buhay na may sintomas ng leptospirosis.
Sinabi ito ng kalihim dahil sa ulat na may ibang kagulang na nagdadalawang-isip nang dalhin sa ospital ang kanilang anak na lumusong sa baha dahil sa pangamba sa gastusin.
Ayon kay Mercado, saklaw din ng PhilHealth ang pagpapagamot sa pribadong hospital na nasa P60,000 na benefit package para sa moderate cases ng naturang sakit.
Habang P400,000 naman ang maaaring masaklaw sa severe leptospirosis.
Sa San Lazaro Hospital, nasa 155 ang kasalukuyang ginagamot dahil sa leptospirosis matapos madagdagan ng 40 ngayong araw.










