Thursday, August 27, 2026

PNP, nagpaalala sa publiko kaugnay ng bomb joke na isinagawa ng isang college student sa Cebu

Nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko partikular na sa mga estudyante at mga kabataan na seryosohin ang mga security protocols.

Ito ay kasunod ng nangyaring bomb joke na isinagawa ng isang 20 tong gulang na college student sa loob ng campus sa Argao, Cebu nitong August 25.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagiinspeksyon ang security guard ng paaralan sa mga bag nang marinig nito ang sinabi ng isang estudyante na merong bomba sa loob ng kanyang bag.

Dito na chineck ng gwardiya ang bag ng nasabing estudyante at nalaman na walang anumang pampasabog o illegal na bagay sa loob nito.

Ang estudyanteng kinilala sa alyas na “Clark” ay nasa kustodiya ng Argao Municipal Police Station at nahaharap sa paglabag sa Presidential Decree No. 1727, o ang Anti-Bomb Joke Law.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., kahit na pabiro , ang pahayag patungkol sa bomba ay maaring magdulot ng takot at pagkaantala sa mga aktibidad ng komunidad.

Facebook Comments