Thursday, August 27, 2026

DFA, wala pang natatanggap na opisyal na ulat ukol sa Pinoy na nawawala sa Nepal; validation sa pahayag ng Nepal Tourism Board, patuloy

Wala pang natatanggap na opisyal na ulat ang Department of Foreign Affairs o DFA ukol sa umano’y Pilipinong kabilang sa mga nawawala sa matinding flash flood at mudslide sa Nepal-Tibet border.

Bunsod ito ng naunang pahayag ng Nepal Tourism Board na mayroong Pinoy na patuloy na pinaghahanap matapos ang naganap na trahedya kahapon, August 26.

Ang opisyal na ulat na ito ng pamahalaan ng Nepal ay direktang sumasalungat sa naunang pahayag ng Malacañang kung saan sinabing walang napaulat na Pilipinong naapektuhan, nasaktan, o nasawi sa naturang trahedya.

Bunsod ng panibagong impormasyong ito mula sa Nepal, patuloy na kinukumpirma at pang biniberipika ang buong detalye at pagkakakilanlan ng kababayang kasama sa mga nawawala.

Facebook Comments