Arestado ang isang 22-anyos na lalaki, isang street food vendro at residente ng lungsod, sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng kasong Statutory Rape sa Dagupan City, Pangasinan.
Ayon sa ulat ng pulisya, isinagawa ang pag-aresto dakong alas-6:30 ng gabi nitong Nobyembre 19, 2026, ng mga tauhan ng Police Station 2 bilang lead unit, katuwang ang City Intelligence Unit ng Dagupan City Police Office.
Nahaharap ito sa kasong paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code, na inamyendahan ng Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997 na walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya nito.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Police Station 2 ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








