KAHANDAAN AT PROTEKSIYON NG MGA PWDs SA PANAHON NG KALAMIDAD, PINALALAKAS SA SAN FABIAN

Pinalalakas ng Lokal na Pamahalaan ng San Fabian, Pangasinan ang kahandaan at proteksiyon ng mga Persons with Disabilities o PWDs sa panahon ng kalamidad sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga emergency responder at frontline personnel.

Isinagawa ang dalawang araw na “Disability-Inclusive Emergency Preparedness and Response” training noong Nobyembre 18 hanggang 19, 2026, sa MDRRMC Building sa San Fabian.

Tinalakay sa pagsasanay ang tamang paggabay sa mga gumagamit ng wheelchair, batayang Filipino Sign Language, pagtulong sa mga may kapansanan sa paningin at pagsasama ng pangangailangan ng mga PWDs sa mga plano sa paglikas at pagtugon sa sakuna.

Layunin nitong matiyak na mabibigyan ng angkop na tulong, sapat na proteksiyon at pantay na pagkakataong mailigtas ang mga PWDs sa panahon ng emergency at kalamidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments