ILANG NEGOSYO SA ROSALES, ININSPEKSYON; MGA PAGLABAG SA PERMIT AT SAFETY REQUIREMENTS, NAITALA

Ilang negosyo sa bayan ng Rosales, Pangasinan ang ininspeksyon ng Municipal Inspection Team matapos maitala ang mga paglabag sa business permit at iba pang kinakailangang requirements.

Isinagawa ang inspeksyon sa mga barangay ng Carmen East at Carmen West.

Alinsunod umano ito sa mission order na inilabas ng punong-bayan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, lumabas sa pagsusuri na karamihan sa mga negosyong na-inspeksyon ay walang kaukulang business permit.

May ilan ding hindi sumusunod sa mga pamantayan sa sanitasyon, pangangalaga sa kapaligiran, fire safety, at structural safety ng mga gusali.

Pinag-utos sa mga may-ari ng mga negosyong may nakitang paglabag na asikasuhin ang kanilang mga permit at itama ang mga kakulangan.

Inaasahang magpapatuloy ang inspeksyon sa iba pang barangay sa Rosales para masiguro ang pagsunod ng mga negosyo sa mga umiiral na regulasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments